2021 Plano sa Serbisyo ng Transit

Sa papaano, habang nagpapatuloy ang mga paghihigpit sa Santa Clara County sa panahon ng pandemya, kinakailangan na ihinto muna ang mga pagsisikap sa pagsusulong ng Draft 2021 Transit Service Plan upang bigyan pansin ang isyu ang hindi nakakasakay ang pasahero sa kasalukuyang serbisyo. 

Sa ngayon kinakailangan na magbigay ng ligtas at mabisang serbisyo sa pagbiyahe habang tumutugon sa mga mandato sa kalusugan ng publiko tulad ng mga pagsusuot ng maskara at naaangkop na pisikal na distansya sa pagbiyahe. Nang sinimulan namin ang proseso ng 2021 Transit Service Plan ngayong taglagas, inaasahan naming magkakaroon ng kaunting kaluwagan sa mga kasalukuyang kondisyon at operasyon sa simula ng susunod na taon. Pansamantala, habang ang pagpapatupad ng draft plan ay hindi pa magsisimula, itutuon namin ang pagpapadals sa mga rutang na nakakaranas ng karamihan na sumasakay. Maghanda na makakuha ng alamin sa mga ruta na makakakita ng pagdagdag na dalas at kung kailan inaasahang magpapatuloy ang mga plano para sa serbisyo sa hinaharap na pagbiyahe.

Hindi magiging posible ang agarang pagbabalik sa mga antas ng serbisyo dahil sa ekonomiya at pinansyal na mga pagbabago na dala ng pandemya na nangangailangang bigyang-pansin sa panimulang plano sa mga senaryo sa 2021 Plano sa Serbisyo ng Transit, tulad ng

  • Panatilihin ang gayunding dami ng sumasakay hangga't posible sa buong sistema.
  • Tiyaking patas at pantay ang gagawing pagbabawas.
  • Sikaping kaunti lang ang pagbabawas sa serbisyo sa pamamagitan ng pagdadagdag sa bilis ng transit.
  • Tiyaking tumpak ang pag-iskedyul ng mga oras ng mula pag-alis hanggang sa pagdating  at nagpapakita ng aktuwal na mga kalagayan ng trapiko.

Mga Interactive na Mapa at Mga Mapa ng System

  • Galugarin ang Mapag-ugnay na Mapa ng Transit para sa Draft 70%, 80%, 90% na Mga Plano.
  • Tingnan ang Mapa ng System para sa Draftt 70%80%90% na Mga Plano.

Paghambingin ang Mga Plano

Tatlong Mga Plano ng Draft

Kailangang makita sa 2021 Plano sa Serbisyo ng Transit ang ilang bagong katotohanang kaugnay ng pandemyang COVID-19, kasama na ang mas mababang kita mula sa ipinapataw na buwes sa benta, sa bagong kaayusan sa pagbyahe, at posibleng pagkaunti ng mga sumasakay.

Ang plano, na ipapatupad sa Pebrero 2021, ay magiging mas mahirap kaysa sa aming serbisyo bago magkaroon ng COVID (na inilunsad noong Disyembre 28, 2019) para ipakita ang epektong pinansyal ng COVID sa badyet sa transit ng VTA.

Para mapabilis ang desisyon ng Lupon ng mga Direktor ng VTA sa kabuoang halaga ng serbisyo na kayang ilaan batay sa mga salik na nabanggit, bumubuo ng tatlong planong serbisyo ang kawani para sa puna ng komunidad at ng pangwakas na pagsasaalang-alang ng Lupon na maglalakip ng mga sumusunod na pangunahing layunin.

MGA LAYUNIN

  • Panatilihin ang Madalas Network
  • Iwasan ang pagtanggal ng buong ruta
  • Gawing prayoridad ang mga antas...

  • Gawing prayoridad ang mga antas ng serbisyo sa karaniwang araw kaysa sa dulong sanlinggo
  • Magpanatili ng madaling makuhang serbisyo sa South County hangga't posible
  • Gawing prayoridad ang BART at mga koneksyon sa Caltrain

Pag-abot sa Komunidad

Dahil sa mga pangangailangan ng kasalukuyang opisyal ng pampublikong kalusugan, lilimitahan ang magkakaharap na pakikipag-ugnayan sa komunidad sa panahon ng proseso ng pakikipag-ugnayan ng publiko, nagbabago ang paraan ng pabibigay ng opinyon ang publiko. Ang mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan ay lalong-lalo nang itutuon  sa pag-host ng virtual na mga pampublikong pagpupulong sa mga organisasyong pangkomunidad at sa mga grupong pampamayanan. Pinakikiusapan namin ang publiko na repasuhin at ibigay bilang indibidwal ang puna sa bawat senaryo. Tanungin ang iyong sarili ng tanong na "ang partikular ba na iminungkahing planong ito ay babagay sa iyo, at kung hindi, paano pa namin mapapasulong ito para matugunan ang iyong mga pangangailangan?" Maging espesipiko!

HUMILING NG PANAUHING TAGAPAGSALITA

Puwede kang humiling ng isang panauhing tagapagsalita ng VTA na makikilahok sa susunod na virtual na pagpupulong. Para mag-iskedyul ng isang panauhing tagapagsalita, kontakin ang pangkat ng Pag-abot sa Komunidad [Community Outreach] sa community.outreach@vta.org o (408) 321-7575.

VIRTUAL NA PAGPUPULONG NG KOMUNIDAD

Magdaraos ng dalawang virtual na pagpupulong ng komunidad ang VTA para mangalap ng komento sa isinusulong na 2021 Plano sa Serbisyo ng Transit. Magtatampok ng presentasyon ang mga virtual na pagpupulong mula sa kawani ng VTA at mga pagkakataon para sa publiko na makapagtanong at makapagbigay ng komento sa proseso ng pagpaplano ng VTA. Hinihimok namin ang mga gustong dumalo sa live, RSVP para sa isa sa mga sumusunod na mga pagpupulong ng komunidad:

Setyembre 23, 2020, virtual na pagpupulong ng komunidad

Setyembre 29, 2020, virtual na pagpupulong ng komunidad

Timeline

Title
Plan Development
Phase Date Range
-
Title
Public Input
Phase Date Range
-
Title
Humihiling ang VTA ng Public Input sa DRAFT 2021 Transit Service Plan
Milestone Date
Body
Title
Pagpupulong sa Komunidad: Miyerkules, Setyembre 23, 2020 ng 6:00 PM
Milestone Date
Title
Pagpupulong sa Komunidad: Martes, Setyembre 29, 2020 ng 11:00 AM
Milestone Date
Title
Plan Development
Phase Date Range
-
Title
Suriin ang mga plano batay sa puna ng publiko.
Milestone Date
Title
Ang 2021 Service Plan ng VTA ay ihihinto muna
Milestone Date
Body

Ihihinto ng VTA ang mga pagsisikap sa pagsulong ng Draft 2021 Transit Service Plan upang bigyan pansin ang mas importanteng isyu ng hindi nakakasakay ng mga pasahero dahil sa utosan na magbigay ng anim na talampakan sa pagitan ng ibang pasahero sa loob ng transit. Magbasa pa.